Si Miss USA R’Bonney Gabriel ang kauna-unahang beauty queen na nagsuot ng ‘Force for Good’ crown matapos hirangin bilang 2022 Miss Universe sa New Orleans, Louisiana sa Estados Unidos
Inilabas ng Miss Universe sa kanilang Instagram ang opisyal na larawan ni Gabriel na nakasuot ng bagong korona na nagtatampok ng 110 carats ng blue sapphires at 48 carats ng white diamonds.
Dinaig ni Miss USA na may lahing Filipino rin ang 83 kalahok sa buong mundo at ibinigay ang kanyang panalong sagot sa tanong na:”If you win Miss Universe, how would you work to demonstrate this as an empowering and progressive organization?”

Hinirang naman bilang first runner-up sa katatapos na patimpalak si Miss Venezuela Amanda Dudamel habang second runner-up si Miss Dominican Republic Andreina Founier.
Nabigo ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi na makausad sa semifinals at tinapos ang 12-taong walang-patid na pagpuwesto ng bansa sa Miss Universe pageant na nagsimula noong 2010 sa pamamagitan ni Venus Raj na nagtapos bilang fourth runner-up sa patipalak na itinanghal sa Las Vegas, Nevada, sa US noong taong iyon.//CA