Ibinahagi ni Miss Universe Singapore 2020 Bernadette Belle Ong na isinilang at lumaki siya sa Pilipinas hanggang sa siya ay mag-11 taong gulang.
Sa video na naka-post sa Facebook page ng Miss Universe ay sinabi niya na tumira rin siya sa Hong Kong sa loob ng isa o dalawang taon.
Dagdag niya, nakatulong ang pagtira niya sa iba’t-ibang mga bansa para mapalawak ang kanyang kaalaman kaugnay sa iba’t-ibang mga kultura at komunidad.
Anya, lalo niya pang na-appreciate ang mga roots niya bilang Filipino-Chinese at pati na rin ang kanyang pagiging immigrated sa isang modernisado ngunit traditional-centric na komunidad tulad ng Singapore.
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2021/05/163178701_4025044860851675_8684169324054508774_n-1024x1024.png?resize=1024%2C1024&ssl=1)
Mababatid na kaya ni Ong na magsalita ng Tagalog, English at conversational Mandarin base sa pageant website na Missology noong Diyembre.
Samantala, nakalipad na si Ong papuntang Florida noong May 1 para paghandaan ang ika-69 na Miss Universe pageant sa May 16.