Isa sa mga napiling uupong hurado si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa gaganaping Miss Universe Vietnam ngayong taon.
Mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga Vietnamese fans ng lumapag siya sa Ho Chi Minh Airport.

Sa Instagram post ng beauty queen, nagpasalamat siya sa mga nasabing fans kung saan marami ang bumabati at kumakaway sa kanya.
Samantala, makakasama niya bilang judge si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu at Miss Universe 2005 Natalie Glebova. (ARGIE ERGINA)