Inanunsyo ng organisasyon na isasagawa sa Japan ang Miss International 2022 pageant sa December.
Ayon sa pageant organization, na bago ang pagdating ng lahat ng mga delegado, titiyakin umano nila na ang bawat isa ay nakibahagi sa iba’t-ibang aktibidad na nagpo-promote sa United Nations; Sustainable Development Goals.”
Samantala, dahil sa naturang development, looking forward na ang pambato ng Pilipinas na si Hannah Arnold, para maging kinatawan ng bansa.

Matatandaan na ang Miss International 2021 pageant ay kinansela noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic. //MHEL PACIA-TRINIDAD