LEGAZPI – Aabot sa 137 ang Vote Counting Machine (VCM) ang dadalhin ngayon sa mga polling precints para sa Final Testing at Seeling sa lungsod ng Tabaco.
Ito ang inihayag ni Atty Karla Sincua Jerrera, ang Comelec Head ng Tabaco City sa Brigada News Fm Legazpi. Ayon kay Jerrera, ngayon araw isasagawa ang Final Testing at Seeling ng mga Vcm sa bawat polling precints.
Aniya, bago pa man dumating ang holy week ay nagpadala ng sulat sa mga local candidates, political party at watchers upang saksihan ng mga ito ang gagawing aktibidad.
Layunin nito ay para ipakita sa publiko o watchers na tama at accuracy ang inilalabas na ibinuto ng mga napiling representative sa bawat polling precints.
Ipapakita rin ng electoral boards na malinis at walang laman ang VCMs upang masiguro na walang mangyayari dayaan sa araw mismo ng bilangan.
Dagdag pa nito, dito rin makikita kung gumagana ang lahat ng mga VCMs sa nasabing lungsod