Misis pinugutan ni mister dahil sa selos

KORONADAL CITY — SELOS ang nakikitang dahilan ngayon ng Lake Sebu PNP sa pagpugot ng mister sa ulo ng misis nito nito kahapon ng tanghali sa Sitio Kabalig, Barangay Klubi, Lake Sebu, South Cotabato.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay PLt. Col. Joven Bagaygay, hepe ng Lake Sebu PNP, kinilala nito ang biktima na si Marina Klanding Kuyan, nasa legad na edad, na pinugutan umano ng ulo ng mister nitong si Julie Kabansil Kuyan, 44 anyos, mag-asawa at residente ng nasabing lugar.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Sinabi ni Bagaygay na ilang beses na pinagtataga ng suspek ang asawa nito ngunit hindi pa na-kuntento at pinugutan pa niya ito ng ulo.

Agad namang tumakas ang suspek matapos nagawa ang krimen, ngunit kalaunan ay sumuko din sa mga sundalo sa nasabing lugar.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Napag-alaman na ikalawang asawa na ng suspek ang biktima.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng Lake Sebu PNP ang suspek habang pursigido naman ang pamilya ng biktima na kasuhan ito. (BNFM Koronadal)