Miracle fruit na mainam umano sa mga may sakit, mabibili sa agri fair sa Naga City

NAGA CITY – Samu’t saring mga gulay, prutas, herbs and spices at mga home made products tulad ng tomato jam, turmeric at ginger tea ang makikita sa agri fair sa pagdiriwang ng Naga City Farmers and Fisherfolks Week ngunit isa sa mga kakaiba at talagang nakakuha ng pansin ng karamihan, ang Calabash o mas kilala sa tawag na miracle fruit.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Isa ito sa mga binebenta ng Pacol Magsasaka Prime Community. Sa panayam ng Brigada News FM Naga sa presidente ng nasabing grupo na si Myrna Dolor, sinabing bago pa man magpandemya, sinimulan na nila ang pagtatanim nito. Matapos ang dalawang taon, tuloy-tuloy na itong namunga. Kuwento sa kanya ng ama, pinaniniwalaang mabisang panggamot daw ito sa mga sakit partikular na sa diabetes.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Anya, bihira pa sa ngayon ang nagbebenta ng ganitong prutas na kinokonsidera ring herbal kung kaya ito ang isa sa mga mabentang produkto na binibili sa kanila.