Ayuda para sa mga apektado ng El Niño Phenomenon, pinoproseso na- CSWDO

NAGA CITY –Makakatanggap ng kaunting ayuda mula sa Department of Social Welfare and  Development ang nasa 500 na mga magsasaka sa Naga City na naapektuhan ng matinding init ng panahon o ng El Niño Phenomenon na nagresulta para bumaba ang kita ng mga ito sa kanilang mga na ibentang agricultural products gaya ng palay, mais at mga gulayin.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang sinasabing ayuda ay ipapamahagi ng City Social Welfare and Development Office sa oras na dumating na kinabibilangan ito ng mga bigas at food packs na laging ipinamimigay tuwing may kalamidad sa mga taga barangay.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Batay sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Annabelle Vargas, head ng CSWDO, sinabi nitong pinoproseso na nila ang mga requirements na kailangang isumite sa DSWD na alam nilang madali namang maipadala dahil sa kakaunti lang naman ang bilang ng mga magsasaka sa lungsod.