Minimum public health standards, mahigpit muling ipinapatupad sa Legazpi City kasunod ng pagsasailalim sa Albay sa COVID-19 alert level 1

LEGAZPI CITY – Dahil isinailalim ng Inter-Agency Task Force ang buong lalawigan ng Albay sa COVID-19 Alert Level 1 status, ang lunsod ng Legazpi ay mahigpit na muling ipinapatupad ang mga minimum public health standards.

Sa ilalim nito, epektibo nang muli ang paghihikayat sa lahat ng pagsusuot ng facemasks lalung-lalo na sa mga indoor na lugar, maging ang pag-oobserba sa physical distancing at ang madalas na pagsa-sanitize ng mga kamay.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Kaugnay nito, lahat ng mga empleyado as lokal na pamahalaan ng lunsod ay magpapatupad na ng mandatoryong pagsusuot ng face masks.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Nakaalerto na rin ang himplan ng pulisya, Fire Station maging ang Public Safety Office (PSO), kasama ang mga barangay at iba pang mga stakeholders upang magmonitor sa pag-obserba ng mga protocols.