CAMARINES NORTE- Naitala ang minimal na pagtaas ng presyo sa ilang commodities dito sa lalawigan ng Camarines Norte noong Nobyembre.
Batay ito sa special release report ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa Consumer Price Index for All Income Household.
Kabilang sa mga commodities na nakapagtala ng minimal price increase ay ang Transportation, pabahay, tubig, kuryente, Gas and other fuels, food and non- alcoholic Beverages group at health.
Nakapagtala rin ng minimal price increase sa recreation and culture at restaurant and Miscellaneous goods services.
Kumpara noong Oktubre, naitala naman ang steady price sa Clothing and Footwear, furnishings, household equipment and routine maintenance of the house, alcoholic beverages and tobacco, communication at education.
Sa month- on- month comparison nakapagtala ng 0.36 % change sa lahat ng items na maaaring nagging dahilan ng stbale prices sa karamihan ng commodities na nabanggit.
Bumagal ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa lalawigan noong Nobyembre sa 4.3 % na mas mababa sa 6.3 % noong Oktubre.
Nanatili naman sa 0. 72 ang purchasing power of the peso sa lalawigan noong Nobyembre 2021 at sa mula’t simula noong Enero.
