Mindanao region, prayoridad ng pamahalaan para sa libreng wifi sites

Target ng Department of Information and Communications Technology o DICT na makapaglagay ng 772 libreng wifi sites sa buong bansa.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DICT Usec Jeffrey Ian Dy na sa ilalim ito ng inaprubahang Philippine Digital Infrastructure Project.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Ayon kay Dy, karamihan sa itatatag na libreng wifi sites ay ilalagay sa Mindanao, lalo na sa regions 11 at 13 kung saan nabatid na masyadong mababa ang internet access.

Karamihan sa mga ito ay ilalagay sa mga pampublikong paaralan at sa mga rural health units.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ang libreng wifi sites ay may minimum speed na 50 mbps at may espasyo pa hanggang 200 mbps.

Inaasahan namang nasa lima hanggang 6 na milyong indibidwal ang makakagamit nito.