Mike Tan, proud sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo sa kursong psychology

Proud na ibinahagi ng aktor na si Mike Tan ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo sa sa kursong psychology.

Sa kaniyang Instagram,  ipinakita ni Tan ang kanyang pagdalo sa kanilang virtual graduation, kung saan idinisplay ang kaniyang larawan na naka-toga.

Para sa aktor, walang pinipiling edad ang pagtupad sa mga pangarap.

Sa isa pang post, hindi kinalimutan ni Mike na pasalamatan ang mga taong tumulong para matupad ang kaniyang pangarap, kabilang ang kaniyang manager at handler, mga propesor, guro, kaklase at iba pang gumabay sa kaniya para matapos ang kurso sa Arellano University, at higit sa lahat umano ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang asawa at mga anak.

Ibinahagi rin ni Mike na may mga aktor at celebrities na tumulong sa kaniya sa kaniyang research.