MIF, lalagdaan na sa July 18 – SP Zubiri

Kinumpirma ni Senate President Migz Zubiri na lalagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang ‘enrolled bill’ ng Maharlika Investment Fund sa susunod na linggo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Zubiri na ilang araw bago ang ikalawang State of the Nation Address o SONA ng Pangulo sa July 24 ay inaasahang maihahabol pa ang paglagda bilang isang ganap na batas ng MIF.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Aniya, inaasahang mapipirmahan na ito sa July 18.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Bago ito, una nang nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel na i-veto na lang ng Pangulo ang panukala.

Ito ay dahil sa mga pagbabago sa ilang probisyon ng panukala nang hindi naman dumaan sa sapat na pag-amiyenda sa BiCam.