MIAA muling binulabog ng bomb threat

Muling binulabog ng bomb threat ang Manila International Airport Authority (MIAA).

Ayon sa MIAA, nakatanggap sila ng email mula kay Takahiro Karawa, isang Japanese lawyer.

Ipinadala ang mensahe bandang alas-5:50 ng madaling-araw nitong Oktubre 10, 2023.

Nakasaad sa email na nakatakdang dumating sa Pilipinas ang eroplanong may bomba, hapon ng October 10 na magiging sanhi ng malawakan pagsabog.

Nauna nang nakatanggap ng bomb threat ang Civil Aviation Authority of the Philippines sa pamamagitan ng email na nagresulta sa pagsailalim sa 42 airport sa heightened alert.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *