NAGA CITY- Patuloy ang paghihikayat ng LGU Naga at mga Barangay Officials na makiisa sa Ligtas Fiesta Vaccination.
Muling pinaalalahanang magpa-bakuna ang mga magbo-voya sa mangyayaring Traslacion at Fluvial Procession ,bata man o matanda. .
Ang mga batang magpapabakuna ay mula sa limang taong gulang pataas at sa mga adult naman ay 18 taong gulang hanggang sa senior citizens. Ang mga magpapa 1st and 2nd booster ay 50 taong gulang pataas.
Ngayong linggo, ang bakunahan ay muling mangyayari sa araw ng Miyerkules, hanggang araw ng Linggo ang venue ay sa City Vaccination Center sa JMR coliseum at SM City Naga.
Kahapon araw ng Linggo at noong Sabado ginawa ang “Bakuna sa Mavoya” na ang ginanap sa Holy Rosary Minor Seminary ,Naga Metropolitan Cathedral.