Mga lumalabag sa over speeding palang ang hinuhuli sa ngayon ng No Contact Apprehension Program sa lunsod ng Cauayan.
Ito ang inihayag ni Mayor Bernard Dy sa kaniyang public address kahapon, February 3, 2022.
Ayon sa alkalde, unti-untiin palang muna aniya ang pagpapatupad at titignan ang implementation nito.
Matapos simulan na ipatupad ang NCAP ay dinadagsa na umano ng mga reklamo at hinaing umano ang LGU mula sa mga motorista sa iba’t-ibang mga kadahilan.
Kaugnay nito ay naglabas ng ordinansa ang City Council na naglalayong magbigay ng warning period sa mga motorista kung saan pagbibigyan ng limang warning muna ang mga violators sa loob ng anim na buwan simula nang ito ay iimplementa.
Pagkatapos ng anim na buwan ay hindi na mabibigyan pa ng pagkakataon ang mga lalabag at kailangang sundin ang mga penalty sa kanilang mga nagawang offense.
Sa pamamagitan kasi ng NCAP ay mahuhuli ang mga motorista na lumalabag sa traffic rules and regulations na sakop ng naturang programa kung saan nakukuha ito ng mga installed cameras sa mga lansangan.
Ayon sa alkalde, layunin lamang nitong mabawasan ang mga naitatalang aksidente at mga violations sa kalye.
May legal aniyang basehan ito dahil batay sa datos noong 2021 ay umabot sa 2, 203 ang bilang ng mga naaksidente na sanhi ng over speeding, reckless driving, pagmamaneho ng nakainom at iba pa.
Habang umabot naman sa 3,187 ang mga naitalang paglabag sa batas trapiko.
Layunin aniya ng NCAP na mabawasan ang mga aksidenteng sa lansangan at maitanim sa mga motorista ang disiplina.