Kailangan pa rin ng mandatory quarantine sa lahat ng papasok sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon kay spokesperson Atty. Norman Yap ng Local –Inter Agency Task Force , 10 araw ang nirerequire na quarantine sa facility para sa di kumpleto at hindi pa bakunado.
Para sa mga fully vaccinated pitong araw na lamang ang quarantine.
Exempted lamang sa quarantine ang mga Returning Overseas Filipino (ROF) kung natapos na ang quarantine sa lugar kung saan huling pinuntahan bago bumiyahe sa lungsod.
Hindi na rin kailangan ng quarantine ang mga APOR na pupunta sa lungsod na fully vaccinated at tatagal lamang ng apat na araw na mayroong mahalagang pakay o gagawin.
Pinapayagan rin ang home quarantine para sa mga residente na uuwi na fully vaccinated at kung bakunado ang mga miyembro na uuwiang bahay.