Tumanggap na ng payout ang unang batch ng mga estudyante sa Olongapo na sumailalim sa Special Program for the Employment of Student o SPES.
Ito ay dahil tapos na ang takdang mga araw ng kanilang pagtatrabaho sa iba’t ibang mga assignment sa mga opisina ng gobyerno sa lungsod.
Ayon sa Olongapo City Public Employment Service Office o PESO kada estudyante ay tumanggap ng tig 6,300 pesos bilang kabayaran sa pagtatrabaho.
Samanatala, 95 ang tumanggap ng sahod nito lang nakalipas na linggo.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
