Mga single na empleyado sa isang bayan sa Quezon, double-pay sa Valentines Day

Naglabas ng executive order ang lokal na pamahalaan ng General Luna sa Quezon province kung saan ang mga single ay makakatanggap ng double pay sa Valentine’s Day.

Nakasaad sa kautusan, na ito ay para parangalan ang mga unattached employees na papasok sa trabaho sa Valentine’s Day.

Read More:  Lacson says Cayetano should not interfere in VP choice

Ang mga single na empleyado na hindi papasok sa trabaho sa Pebrero 14 ay pwedeng mag-leave ng may bayad.

Read More:  DepEd to establish 13 new division offices to improve services in remote schools

Kailangan lamang umanong punan ng empleyado ang isang form mula sa executive department.

Ayon sa local government unit, ang hakbang na ito ay isang halimbawa ng kanilang “innovative governance.”