Mga service vehicle ng gobyerno, balak palitan ng electronic vehicle

Balak ni Pangulong Bongbong Marcos na mapalitan ng electric vehicle ang mga service vehicle na ginagamit ng gobyerno.

Sa MalacaƱang press briefing, sinabi ni Department of Energy USec. Felix Fuentebella na tinatarget nila na sampung porsyento ng mga service ng gobyerno ay maging e-vehicle.

Sa katunayan, may inter-agency na binuo na pinangungunahan ng DOE para maging maayos ang procurement o pagbili ng mga ito.

Hindi naman makapag bigay pa ng timeline si Fuentebella kung kelan ito mangyayari, pero aprub na raw ang plano sa Department of Budget and Management o DBM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *