Ilang mga senador, kinondena ang pagbomba ng tubig ng China sa PCG

Mariing kinondena ng mga Senador ang pambobomba ng tubig ng China Coast Guard (CCG) sa sasakyang pandagat ng Pilipinas

Kabilang na rito sina Senadora Risa Hontiveros, Sen. JV Ejercito, at Sen. Joel Villanueva.

Read More:  House leader questions OVP ‘petty cash’ confidential fund handling

Tinawag ni Hontiveros bilang ‘dangerous act’ ang ginawa ng China dahil wala silang karapatang gutumin ang mga Pilipino sa Ayungin Shoal.

Habang sinabi naman ni Ejercito na isang insulto na bombahan ng tubig ang mamamayan.

Read More:  Orly Guteza recants suitcase allegations against Martin Romualdez

Giit ni Villanueva, itigil na ang pambubully ng Tsina sa bansa, at kailangang magkaroon ng matatag na panindigan ang mga Pilipino laban sa patuloy na panggigipit ng China sa mga Philippine Coast Guard (PCG).