Ginunita ngayong araw ng mga senador ang ika-dalawampu’t anim na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan na may temang ‘Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan’.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, ang temang ito ang siyang nagpapaalala sa kahalagahan ng nakaraan sa paghubog sa kinabukasan.
Kaugnay nito, ang tinatamasa umanong kalayaan ng bansa ngayon ay nag-ugat mula sa sakripisyo at katapangan ng mga bayani.
Maliban pa roon, binigyang-diin ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na sa pamamagitan ng nakaraan ay nakikitang hindi na bago ang mga problemang tinatahak ngayon ng bansa.
Sa kabilang banda, hinikayat nina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Joel Villanueva ang publiko na magsama-sama sa pagtindig para maprotektahan ang pambansang interes ng Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.
Samantala, naniniwala naman si Sen. Jinggoy Estrada na ang pagmamalakasakit sa isa’t isa ang pinakamalakas na sandatang pwedeng gamitin ng mga Pilipino laban sa mga dayuhang nais baguhin ang tertoryo at pahinahin ang soberanya.