LEGAZPI CITY – Matagal ng pinagpaplanuhan ng Local Government Unit (LGU) Malilipot na ilipat ang mga residente na nasa loob ng 6 kilometer permanent danger zone (PDZ) ng Bulkang Mayon.
Ayon kay MDRRMO head Eng. Alvin Magdaong, mayroon nang paglilipatan ang mga residente ngunit may mga inaayos pa sila sa lote.
Nasa kalagitnaan umanp ng Brgy. San Francisco at Binitayan ang lugar na paglilipatan.
Sa ngayon ay inaayos na lamang ng assessors office at LGU ang kinakailangang mga dokumento upang mailipat na umano ang mga ito.
Sinabi pa ng opisyal, kinakailangan din na maghanap sila ng magiging katuwang o kapartners na mapagpapatuyuan ng mga pabahay para sa mga residente na paglilipatan.