Mga residente sa bayan ng Basud sinamantala ang Kilatis Kutis dermatology medical mission para magpa check-up ng balat

CAMARINES NORTE – Sinamantala ng mga residente ng bayan ng Basud, Camarines Norte ang Kilatis Kutis dermatology medical mission para magpa check-up ng balat.

Ginawa ito kamakalawa sa Basud Sports Complex na naisakatuparan sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan at ng Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGMC) .

Ginawa ang kilatis kutis  upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente  na makapagpakonsulta kung may iniindang sakit sa balat.

Sentro  ng kampanyang ito na maagapan ang anumang uri ng sakit sa balat lalo na ang sakit na ketong.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang ketong ay tinatawag na Hansen’s disease na isang mabagal ngunit progresibong sakit na bunga ng bacteria na Mycobacterium leprae.

Noong 2017 ay inulat ng Department of Health na hindi bababa sa 200 katao ang may sakit na ketong sa Bicol Region na sumasailalim sa gamutan.

Sa panahong ito naman ay tatlong kaso ng sakit na ketong o leprosy ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nadagdagan pa ito noong 2020, kung saan anim na Barangay sa Camarines Norte ang nakapagtala ng mga positibong kaso ng sakit.

Kung dati ay walang lunas, ngayon ay may gamutan na sa leprosy at available ito sa mga health center.

Payo naman ng mga eksperto na huwag baliwalain ang anumang sakit sa balat at ugaliin ang pagpapakonsulta sa doktor para mabigyan agad ng lunas.