CAMARINES NORTE – Paiigtingin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang maritime law enforcement upang mapigilan ang illegal fishing activity sa karagatang sakop ng Camarines Norte at sa buong bansa.
Alinsunod ito sa kautusan ni Coast Guard Bicol District Commander Commodore Philipps Soria na ipatupad ang mandato ng ahensiya.
Ayon kay Ensign Jonel Cadiz, Chief of Staff ng Camarines Norte Coast Guard Station ito ay upang maprotektahan lalo na ang kapakanan ng mga maliliit na mangingisda.
Nito lang Martes ay hinuli ng Coast Guard at Bantay Dagat ang lima katao sa bayan ng Paracale na engage umano sa compressor fishing na perwisyo sa karagatan at mapanganib din sa buhay ng tao.
Tiniyak din ng Coast Guard na hindi nito kinukunsinte ang mga iligal na gawain kasabay ng paalala sa mga mangingisda na huwag mag- engage sa illegal fishing activity.
