Mga pulis sa Bicol, isinailalim sa ‘random drug testing’

BNFM BICOL – Sumailalim sa ‘random drug testing’ ang mga kawani ng Police Regional Office o PRO 5 upang maipagpatuloy ang maayos na serbisyo nito sa komunidad na mag-uumpisa sa pagpapanatili ng kalinisan sakanilang hanay.

Bilang tagapagtupad umano ng batas ay dapat sila din ang unang sumunod dito tungo na rin sakanilang layunin na maging “drug free” ang komunidad.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Sinurpresa ng himpilan ang mahigit sa 372 na mga miyembro ng kapulisan para sa drug testing sa buong Bicol at mismong si Director Reyes ay nagboluntaryong magpa-drug test.

Read More:  7 drivers test positive in initial Bacolod drug screening

Samantala, ang ibang nasa Police Provincial Office ay nakiisa din sa drug testing, 10 sa Albay PPO, 30 sa Camarines Norte, 35 sa Camarines Sur PPO, 31 sa Catanduanes, 100 sa Masbate, 14 sa Sorsogon at 100 sa Naga City Police Office PPO.(DIAN POBLETE)
#