Mga pulis- Naga na nakasama sa Cessna 340A operations  sa Albay bibigyan ng pagkilala

NAGA CITY- Bibigyan ng pagkilala ang dalawang team ng pulis Naga na nakasama sa Cessna Plane 340A operations at mga nagbaba ng bangkay ng apat na sakay ng private plane na bumagsak sa Bulkang Mayon noong Feb. 18, 2023.

Sa pahayag ng Naga City Mobile Force Company nakasaad ang pagpapasalamat sa mga nakasama sa pagbaba ng bangkay sa Anoling, Albay; sa mga kapwa pulis sa Camarines Sur at ibang lalawigan, Philippine Army, Bureau of Fire Protection Search and Rescue Force , Naval Special Operations Group, Local Guides, mountaineers at iba pang individual volunteers.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur
Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ayon kay PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng NCPO wala pang opisyal na pahayag ang City Director ng Naga ukol sa kung anong parangal ang igagawad pero tiyak na aniya ito upang bigyang importansya ang kanilang pagpapagod at sakripisyo sa matarik na bulkan at pabago-bagong panahon.