Mga pulis na sangkot sa pagresponde sa pangho-holdap ng jeep – sibak sa puwesto

Anim na pulis na sangkot sa viral video ng pagresponde sa pangho-holdap ng jeep sa Maynila ang sinibak sa kanilang pwesto.

Ito ang kinumpirma ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo , matapos mag viral sa social media dahil sa naging istilo nang panghuhuli sa isang holdaper na muntik pang makatakas.

Sa viral video noong Janurary 12, pinalibutan ng mga pulis ang holdaper na naiwan sa loob ng isang jeep sa Ramon Magsaysay Blvd, at para mapababa ginamit ng mga pulis ang kanilang baton at anti riot shield at mistulang binubugaw ang suspek para mapababa ng jeep.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Maya-maya pa, nakatakbo at muntik pang makatakas ang holdaper dahilan para paputukan ito ng mga otoridad

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Nahuli naman ang suspek matapos magtamo ng tama ng bala sa hita

Pero Ayon kay Col. Fajardo, may hindi nasunod sa provision ng police operational procedure.

Pinagpapaliwanag din aniya ang precinct commander ng 6 na pulis.

Sinabi ni Fajardo na maaaring dumaan sa refresher course o training ang mga nasangkot na pulis upang hindi na maulit ang insidente.