Mga proyektong pinondohan ng Japan – binisita ni PM Kishida

Binisita ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida kasama si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista ang Metro Manila Subway Project sa Valenzuela depot upang makita ang ilang proyektong kanilang pinondohan sa bansa.

Sa ilalim ng nasabing proyekto ay magkakaroon ng labingpitong estasyon mula sa Valenzuela City papuntang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Layunin din ng nasabing proyekto na paiksihin ang travel time mula sa isa’t kalahating oras papunta sa tatlumpu’t limang minuto na lamang.

Bago ito, una nang sinabi ni Bautista na on track ang naturang proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *