Nagpaalala ang Philippine National Police Firearms and Explosive Office (FEO) ang mga nasa entertainment industry na kailangang kumuha ng Certificate to Transport sa Commission on Elections (COMELEC).
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2022/09/ADV_CITRUPLUS_HAPPY_FAMILY-1024x1024.jpg?resize=253%2C253&ssl=1)
Ito ay sa oras na kailangan nilang magdala at gumamit ng mga pekeng baril o mga props na baril.
Batay sa pinakahuling adbisory na inilabas ni PNP Firearms and Explosives Office Acting Chief PBGEN. Roger Quesada, sasaklawin nito ang mga air-soft, airgun, at iba pang mga replika.
Kung kakailanganing gumamit ng mga props na baril, mas mabuting ipaalam ito sa naturang opisina.