Mga programa para ilapit sa mga tao ang serbisyo ng SSS inilatag

CAMARINES NORTE- Inilatag ng Social Security System (SSS) ang ilang programa na naglalayong ilapit sa mga tao partikular sa mga miyembro nito ang kanilang serbisyo.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo mayroon na sila ngayong tinatawag na E- Center sa Barangay at ito ay sinimulan na sa bayan ng Sta Elena.

Katuwang ng SSS sa programa ang Sangguniang Kabataan kung saan nagtatalaga ito ng focal person para mag- assist sa mga miyembro sa pagamit ng website at online services ng SSS.

Kaya naman marami na rin umano ang nakaka-avail ng mga serbisyo ng SSS online tulad ng pagkuha ng SSS number at pag- generate ng Payment Reference Number (PRN).

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nagbigay umano ng computer ang Department of Information and Communication Technology o DICT na mayroong internet connection.

Ang mga barangay sa naturang bayan na available na ang E-Center ay ang Rizal at Poblacion.

Gayunman, nagdedepende umano sa availability ng tao ang pagbibigay ng serbisyo sa E- Center sa barangay dahil ang ilang SK officials ay nag-aaral pa o may iba ring pinagkakaabalahan.

Bukod sa Barangay E-Center, umaarangkada na rin umano ang SSS E-Wheels kahit wala pa ang behikulong naka- design para dito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Mayroon itong internet at computer para maghatid ng iba’t- ibang serbisyo sa barangay.

Pero dahil wala pa ang behikulo ay pansamantalang ang sasakyan muna ng Branch ang ginagamit.

Mayroon namang dalang laptop at may data ang mga Account Officer ng SSS.

Ang SSS E-Wheels ay isang off-site booth kung saan ang miyembro ay maaaring makipag transaksyon tulad ng inquiries, verification and assistance,  issuance of forms; and online services kasama na ang SS number My.SSS web registration, at iba pa.