Balik-kulungan na muli ang 5 sa mga nakatakas na preso mula sa kanilang detention facility sa Manila Police District Station 1 sa Raxabago St., Tondo, Maynila.
Ayon kay MPD Police Chief Police Colonel Arnold Thomas Ibay, apat pa ang patuloy pa ring tinutugis na kabilang sa mga tumakas kaninang madaling araw.
May kinasasangkutang kaso sa droga, illegal possession of firearms, at ang iba pa ang mga nakatakas na suspek.
Kinilala ang mga nakatakas na sina Gian Carlo Rayala, Arnold Olino, Jefferson Bunso Tumbaga, MJ Tuazon, Master Cedric Zodiacal Velasco, John Joseph Laguna, Andal Jericho, Calayas Albert, at Zilmar Adriano.
Sina Olino, Tuazon, Jericho, Albert, at Adriano ay na-aresto na.
Samantala, agad namang ni-relieve sa pwesto ang Station Commander, deputy, custodial officers at mga nakuduty nung gabing mangyari ang insidente habang gumugulong pa ang imbestigasyon.
Nanawagan naman ang hepe sa pamilya ng mga nakatakas na isuko na at i-surrender ang mga bilanggo sa pulisya.