Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) tungkol sa posibilidad na maaaring gamitin ang pera na nagmumula sa mga illegal activities ng ilang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) hubs para sa darating eleksyon.
Ikibahala ito ni Interior Secretary Benhur Abalos, at sinabing maaring maapektuhan dito ang 2025 national elections.
Lumalabas sa datos ng PAOCC kumikita ang POGO hubs hindi bababa sa P2 bilyong kada buwan mula sa mga ilegal na aktibidad.
Dagdag pa ng kalihim, maaring nasuhulan ng mga POGO ang mga corrupt na pulitiko upang makapag-operate sila kahit walang kinauukulang dokumento.