Mga pinoy tila “dedma” na sa watawat ng Pilipinas

CAMARINES NORTE – Mistulang “dedma” na sa karamihang pinoy ang watawat ng Pilipinas dahil sa pakaunti nang pakaunting nagsasabit nito sa tuwing sumasapit ang ganitong panahon na ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan.

Ito ang obserbasyon ng local historian na si Abel Icatlo na siya ring Museum Curator ng Provincial Government sa aniya’y pagkahirati ng karamihan sa mga mababaw na bagay kaysa sa mahahalagang bagay na para sa bayan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Kaugnay nito ay nanawagan si Icatlo sa mga Cam Norteño na buhaying muli ang tradisyon ng pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa mga establsiyimento, opisina at maging sa mga kabahayan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Hinihikayat umano ang bawat isa lalo na ngayong buwan ng Hunyo na muling ilabas ang pagkapilipini sa pamamagitan ng pagwayway ng watawat ng Pilipinas. Mababatid na ipinagdiriwang ang National Flag Day mula Mayo 28 hanggang ngayong araw,  Hunyo 12, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 374.