Mga Pilipino, mas gustong makatanggap ng pera kesa sa bulaklak sa Valentine’s Day

Lumabas sa SWS survey na top 3 sa Valentines Day wish ng mga Pilipino ang mga bulaklak.

Nangunguna sa survey ang pera; sinundan naman ito ng love o pagmamahal.

Kaugnay rito, dagsa na rin ang mga mamimili ng bulaklak sa Dangwa, Maynila.

May ready-made boquet na nagkakahalaga ng P350 hanggang P2,500 at ang isang bundle ng sunflower (10 pcs) ay P1500 na.

Bukod dito, may bagong pakulo rin sa Dangwa na paper boquet o dried flowers para sa mga mamimili na gustong magtagal ang bulaklak.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *