Umabot sa 250 na mga indibidwal sa Naga City ang nabiyayaan matapos na tumanggap ito ng tig dalawang libong piso bilang mga benipisyaryo ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare Development na kung saan ang cash distribution ay pinangunahan ng mga personahe naman City Social Welfare and Development Office.
Nakapanayam naman ng Brigada News FM Naga si CSWDO Head Anabelle Vargas, at sinabi nitong dumaan sa tamang proseso ang mga ito batay na rin sa ipinapatupad ng DSWD sa ganitong pamimigay ng ayuda sa mga barangay sa lungsod.
Karamihan sa tumanggap ay mga estudyante na ang pera ay magagamit nila sa gastusin sa paaralan at mga senior citizens na pandagdag naman sa kanilang pambili ng gamot at vitamins.