LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) Bicol na bakunado na ang lahat ng mga personahe ng ahensiya laban sa COVID-19.
Ayon kay Kevin Arroco, ang Planning Officer II ng kagawaran, nasa 69,706 o 93% ang kabuuhang bilang ng eligible employees ang nakatanggap na rin ng bakuna mula sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.
Aniya, ang pagtaas ng bilang ng mga nabakunahan ay resulta ng information education campaign tungkol sa kahalagahan ng bakuna laban nasabing sakit.
Maliban pa rito, para mapataas pa ang bilang ng mga nagpapabakuna sa mga bayan at lunsod sa Bicol ay binuksan na rin ang mga paaralan upang gawin ang pagtuturok sa mga nagnanais magpabakuna.
Sa ngayon, target pa rin ng tanggapan na maabot ang 100% na coverage ng bakunahan para sa mga DepEd personnels sa buong rehiyon.