Mga pedicab drivers at mga bata hinandugan ng pamasko ng PCG

NAGA CITY- Nakatanggap ng maagang pamasko ang mga pedicab drivers at tricycle drivers sa Pasacao, Camarines Sur mula sa Philippine Coast Guard.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay CPO Alex Lumbre ng Coast Guard Balatan, na siya ring naging unang head ng PCG Pasacao, sinabi nitong ito ay bilang pasasalamat ng mga dating aplikante ng PCG na ngayon ay natanggap na ng opisina.

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit

Ayon kay Lumbre ang iba sa mga ito ay dati kasing mga pedicab driver at nabago ang takbo ng buhay dahil sa PCG. 100 spaghetti packs ang naibahagi ng grupo. Kasabay nito nagkaroon din ng feeding program para sa mga bata. Sinimulanng grupo ang proyekto noong 2021 at nais nila na marami pa ang mapasaya kahit man lang sa kaunting regalo.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City