Pinangunahan naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Seretary Tulfo ang pagpapa-drug test sa kanilang opisina.
Ito ay bahagi ng mandatory and random drug testing sa Central Office ng DSWD.
Sa ulat, pangunahing layunin ng testing ay ang pagkakaroon ng drug-free workplace policy upang masiguro ang kaligtasan at pagiging produktibo ng mga opisyal and empleyado ng ahensya.
Binigyang-diin din ng ahensya ang pagkakaroon ng drug testing programs upang maiiwas ang DSWD employees mula sa mga epekto ng drug abuse.
Hinikayat naman ni Tulfo ang mga empleyado ng tanggapan na sundan din ang kanyang ginawa. // SMM
