Mga paaralan sa India, sarado dahil sa lumalalang polusyon sa hangin

Nanatiling sarado ang mga pangunahing paaralan sa India dahil sa lumalalang polusyon sa hangin.

Ayon kay Atishi Marlena, Education Minister sa Delhi, hanggang November 10 sarado muna ang mga paaralan at ang mga Grade 6 hanggang 12 students ay magsasagawa ng klase via online.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Naitala ang 482 air quality index sa Delhin kung saan ‘severe’ ang category nito – batay sa Quality ang Weather Forecasting and Research.

Maraming tao sa Delhi ang nagreklamo ng pangangati sa mata, pananakit ng lalamunan at mga problema sa paghinga.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Isa sa pangunahing dahilan ng air pollution sa nasabing bansa ay ang pagsusunog ng pinaggapasan ng mga magsasaka sa mga kalapit na estado, partikular na sa Punjab at Haryana.