COVID-19 Vaccination sa Pasig, suspendido

Pansamantalang sinuspende ng pamahalaang lungsod ng Pasig ang COVID-19 vaccination ngayong linggo dahil wala pa ring delivery ng suplay ng bakuna.

Read More:  Dump truck falls into sea while boarding ship in Cebu

Ayon sa Pasig LGU, wala pa ring abiso mula sa Department of Health (DOH) kung kailan ulit magkakaroon ng delivery.

Sa oras na makatanggap na ng supply ng COVID-19 vaccine ang lungsod ay magkakaroon muli ng posting ng weekly vaccination schedule.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Samantala, nasa higit 93K cases ang kumpirmadong may COVID-19 sa siyudad ng Pasig at 15 rito ay aktibong kaso.