Mga opisyal, pinuri ang iniwang legasiya ni Mike Enriquez

Pumanaw na kahapon ang batikang brodkaster na si Mike Enriquez sa edad na 71.

Kilala si Enriquez bilang tagapagbalita sa radyo at telebisyo, matapos tumayo bilang isa sa mga haligi ng GMA Network.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Agad namang nagbigay ng pagpupugay, paggalang, at pakikiramay ang Malacanang at ilang mga senador.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) chief Cheloy Velicaria-Garafil, naging kasangga si Enriquez sa paghahatid ng tapat at walang kinikilingang balita.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Nagbigay naman ng panalangin si Senate President Juan Miguel Zubiri para sa mga naiwang pamilya ng brodkaster.

Dagdag naman ni Senador Risa Hontiveros, ang legasiya ni Enriquez ay mananatiling buhay sa mahaba pang panahon.