Tiniyak ng Subic Bay Chamber Of Commerce na mas magiging maayos at masaya ang gaganaping night market o Banchetto ngayong taon sa Subic Bay Freeport Zone.
Ito ay kung ikukumpara sa parehong aktibidad noong nakaraang taon na tumagal lang ng tatlong gabi.
Ayon sa Subic Bay Chamber of Commerce, December 8 pa lang ay magsisimula na ang Banchetto na magtatagal hanggang January 1 kaya mas pinaghandaan ito ngayon na katatampukan ng mas maraming entertainer at bisita mula sa maraming lugar.
Matatandaan, ang banchetto noong nakaraang Disyembre ay bahagi lang ng dry run pero dahil dumagsa ang mga tao kaya pinayagan ang mas mahabang selebrasyon.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
