Mga naturukan na ng dalawang dose laban sa covid-19 sa Botolan, makakalibre ng bigas mula LGU

Bibigyan ng libreng bigas ng pamahalaang lokal ng Botolan ang mga residenteng naturukan na ng dalawang dose ng bakuna kontra covid-19.

Ito ay bilang gantimpala ng pamahalaan sa mamamayan sa pagsunod sa layunin ng gobyerno na mabawasan ang mga tinatamaan ng corona virus disease.

Read More:  75-year-old woman stabbed dead by her live-in partner Davao de Oro

Ayon sa lokal na pamahalaan, makakakuha ng libreng bigas ang mga nabakunahan na sa pamamagitan ng pagpapakita ng vaccination card kung saan libreng makakakuha ang mga ito ng bigas sa loob ng dalawang magkasunod na linggo.

Read More:  Forest fire affects 7 hectares in Davao de Oro

Samantala tuloy naman ang mass vaccination ng Municipal Health Office na isinasagawa sa Polythecnic College of Botolan tuwing Martes hanggang Byernes.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of food and text