CAMARINES NORTE – Arestado ang isang lalaki sa sa Barangay Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte sa isinagawang pagsasanib pwersa ng Vinzons MPS sa pamumuno ni PMAJ Eva O Guiruela Chief of Police katuwang ang mga operatiba ng mga kapulisan
Ang suspek ay kinilalang si Carlito Villafranca Jr. y Ismondo, 29 taong gulang isang magsasaka residente ng Barangay Sto. Domingo sa naturang bayan
Si Villafranca ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Attempted Rape na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 39, Daet Camarines Norte
nagkakahalagang Isang Daan Dalawampu’t Libong Pisong (P120,000.00) ang pyansang inirekomenda ng korte para sa pansamantalang kalayaan nito Kasalukuyan naman itong nasa kustodiya ng Vinzons MPS para sa kaukulang disposisyon

