Mga natalong kandidato sa May 9 Elections maaaring mabigyan ng pwesto sa BBM Admin

Inihayag ng kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ikinokonsidera nila ang posibilidad na italaga sa government positions ang ilang mga kandidato na natalo sa 2022 local at national elections.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Sa ilalim ng batas, ang mga natalong kandidato ay maari lang italaga sa government office, isang taon matapos ang halalan.

Dagdag ni Vic Rodiguez, tagapagsalit ni Marcos Jr. na walang titingnan ang president-elect na anumang party colors sa pagpili ng kanyang mga appointees.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa ngayon, hindi pa umano nila mapapangalanan ang mga target na kukunin, dahil hindi pa nila ito nakakausap.