Ibon dahilan ng pagkawala ng kuryente sa Jose Panganiban Lunes ng hapon

CAMARINES NORTE- Nakaranas ng halos dalawampung minutong power service interruption ang ilang lugar sa bayan ng Jose Panganiban nitong Lunes.

Ayon sa Camarines Norte Electric Cooperative nagsimula ang pagkawala ng kuryente simula ala 1:15 ng hapon maliban sa mga Barangay ng San Martin, Tamisan, Sta. Rosa Sur, Sta Rosa Norte, San Rafael at bahagi ng Luklukan Sur dahil sa disturbance sa linya.

Nagsagawa ng tracing ang technical team ng Canoreco para matukoy at maayos ang sanhi ng pagkawala ng kuryente.

Dito ay nadiskubre na ang sanhi  pala ng power interruption ay ang sumabit na ibon sa linya ng kuryente sa may Barangay Calero na nagdulot ng line to ground fault.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Dakong ala 1: 38 ng hapon nang maibalik ang kuryente.

Samantala,  makakaranas naman ng siyam na oras na power service interruption bukas, araw ng Miyerkules, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon sa naturang bayan maliban sa mga Barangay ng Tamisan, San Martin at Sta. Rosa Sur.

Ang dahilan ay  upang i- facilitate ang conversion of line mula Sta Rosa hanggang Larap.

Maghapong power service interruption din ang mararanasan sa ilang Barangay ng Capalonga na kinabibilangan ng Calabaca, Itok, Del Pilar, Binawangan, Lukbanan, Mabini at bahagi ng Ubang sa Biyernes, Mayo 20 at Martes Mayo 24.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang siyam na oras na brown out na magsisimula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon ay upang i- facilitate ang construction ng CAPEX project at iba pang maintenance work.

Sa Sabado naman Mayo 21 at Lunes Mayo 23 ay siyam na oras ding mawawalan ng kuryente mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon sa bahagi ng Brgy. Bulhao,  Barangay Bagacay, Sta. Cruz, Bakiad, Cabusay at Fundado sa Labo at sa Awitan, Dancalan, Tabas, Mangkasay, Bakal at Mampungo sa bayan naman ng Paracale.