Mga nasa likod ng POGO hub sa Porac, Pampanga – tukoy na ng PAOCC

‘Tamaan na ang tamaan.’

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston Casio sa gitna ng kanilang pagkakatukoy sa mga nasa likod ng ilegal na operasyon ng POGO sa Pampanga.

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Casio, sinabi nitong hindi nila tatantanan ang mga taong nan-torture at nangidnap sa mga biktima sa loob ng POGO hubs.

Ayon kay Casio, ‘matigas’ ang direktiba sa kanila hinggil sa imbestigasyon.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Susundin daw nila kung saan man sila dalhin ng ebidensya.

Sa dami umano ng kasong pwedeng isampa sa mga nagpapatakbo ng POGO – mabubulok na lang ang mga ito sa kulungan.