Chinese Ambassador Huang Xilian, dumalo sa tradisyunal na Vin D’ Honneur sa Malacañang

Kabilang si Chinese Ambassador Huang Xilian sa mga dumalo sa tradisyunal na Vin D’ Honneur sa Palasyo ng Malacañang.

Sa kabila ito ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa mga harassment ng China Coast Guard sa West Philippine sea.

At ilang araw bago ipatupad ang banta ng China na manghuhuli ng mga “trespasser” sa inaangking teritoryo.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sa pagdalo ng ambassador sa naturang pagtitipon, nakitang nagkaroon sila ng maikling pag-uusap ni Pangulong Bongbong Marcos matapos silang magkadaupang palad.

Nakita rin na nakipag usap ito sa iba pang attendees katulad ni Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Maliban sa Vin D’ Honneur, dumalo rin si Huang Xilian sa flag raising kaninang umaga sa Luneta Park.

Ang Vin D’ Honneur ay isa sa dalawang official reception na ibinibigay ng Pangulo ng Pilipinas na ginaganap sa Palasyo ng Malacañang, tuwing Independence day at Bagong Taon.