Mga naninigarilyo, muling pinaalalahanan kaugnay ng Lung Cancer Awareness Month

CAMARINES SUR- Sa kabila ng pagkakaroon ng mababang kaso ng lung cancer sa bayan ng Camaligan, muling nagbigay ng paalala ang Municipal Health Office sa mga indibidwal na hilig ang paninigarilyo. 

Isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni Dr. Nonoy Severo, Municipal Health Officer ng nasabing bayan, na patuloy ang kanilang ginagawang mga regular check up para sa mga lung cancer patients.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kahit hindi pa man lung cancer positive, basta’t may sintomas ng posibleng pagkakaroon ng sakit ay hinihikayat nilang agad na magpacheck up sa kanilang center.

Dagdag pa ng doktor, hindi lahat ng lung cancer patients ay mga active smokers. Ang iba rito ay passive smokers o ang mga inidibidwal na nakakalanghap ng usok ng sigarilyo mula sa mga naninigarilyo. Sa ganitong kaso, mas malaki pa posibilidad na magkaroon ng lung cancer ang mga passive smokers kumpara sa mga active smokers.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kaugnay ng Lung Cancer Awareness, nagpaalala naman si Severo sa publiko lalo na sa mga kabataan na iwasan ang paninigarilyo maging ang pagvavape dahil may malubhang epekto ito sa kanilang kalusugan.